> ## Content Index
> Fetch the complete content index at: https://tsrv2.apphq.dev/llms.txt
> Use this file to discover other available public pages before exploring further.

# Aberya na naman: Pasahero ng MRT-3 pinababa sa Ortigas Station
- URL: https://tsrv2.apphq.dev/nation/aberya-na-naman-pasahero-ng-mrt-3-pinababa-sa-ortigas-station/
- Published: 2025-08-21T04:43:56.000Z
- Updated: 2026-10-23T04:35:01.000Z
- Description: Pinababa ang mga pasahero ng MRT-3 sa Ortigas Station pasado 12:11 p.m. ngayong Huwebes matapos magkaroon ng aberya ang sinasakyan nilang tren. Naganap ang aberya sa kabila ng holiday, August 21 o Ninoy Aquino Day, kung kailan mas kaunti ang pasahero. Dumating ang tren bandang 12:08 p.m., ngunit…
- Author: Liam Demafelix
- Tags: Nation, News, commuters, Department of Transportation, LRT-2, MRT-3, Public Transportation

Pinababa ang mga pasahero ng MRT-3 sa Ortigas Station pasado 12:11 p.m. ngayong Huwebes matapos magkaroon ng aberya ang sinasakyan nilang tren.

Naganap ang aberya sa kabila ng holiday, August 21 o Ninoy Aquino Day, kung kailan mas kaunti ang pasahero.

Dumating ang tren bandang 12:08 p.m., ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay inatasan na ang lahat ng pasahero na bumaba.

Pasado 12:16 p.m. na nakaalis ang nagkaaberyang tren at agad namang dumating ang kapalit na tren nang 12:18 p.m.

Bagama’t naisakay agad ang mga pinababang pasahero, kapansin-pansin ang napapadalas na aberya sa mga linya ng tren sa Metro Manila.

Nitong Agosto 15, bumagal din ang takbo ng MRT-3 dahil sa signaling issue sa Santolan Station bago muling maibalik sa normal na bilis.

Noong Agosto 5, naantala rin ang biyahe ng LRT-2 matapos tamaan ng kidlat ang catenary wire sa Antipolo Station.

At nitong Agosto 15, inutusan ng Department of Transportation (DOTr) ang private operator ng LRT-1 na magbigay ng danyos sa mga pasaherong nasaktan sa nangyaring escalator malfunction sa FPJ Station.