> ## Content Index
> Fetch the complete content index at: https://tsrv2.apphq.dev/llms.txt
> Use this file to discover other available public pages before exploring further.

# Congressional insertions sa 2026 national budget sinopla ni Pangulong Marcos
- URL: https://tsrv2.apphq.dev/nation/congressional-insertions-sa-2026-national-budget-sinopla-ni-pangulong-marcos/
- Published: 2025-08-05T17:23:08.000Z
- Updated: 2026-10-23T04:34:18.000Z
- Description: Hindi pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang 2026 national budget kung hindi ito tugma sa National Expenditure Program (NEP) ng ehekutibo. Ibig sabihin nito, hindi lulusot ang kahit anong congressional insertions o anumang klase ng pork barrel kung tutuparin ng Pangulo ang…
- Author: Liam Demafelix
- Tags: Nation, News, Business, 2026 National Budget, Bongbong Marcos, Congressional Insertions, Corruption, DBM, Department of Budget and Management, Ferdinand Marcos Jr., Flood Control Projects, National Expenditure Program, NEP, Philippine Politics, Pork Barrel, Public Accountability, SONA 2025, State of the Nation Address

Hindi pipirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang 2026 national budget kung hindi ito tugma sa National Expenditure Program (NEP) ng ehekutibo.

Ibig sabihin nito, hindi lulusot ang kahit anong congressional insertions o anumang klase ng pork barrel kung tutuparin ng Pangulo ang tutuparin niya ang kanyang sinabi sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA).

“Therefore, for the 2026 national budget, I will return any proposed General Appropriations Bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program,” saad ng Pangulo.

“Hindi ko aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino,” diin ng Pangulo.

Ang NEP ay inihahanda ng Department of Budget and Management (DBM) batay sa mga prayoridad ng administrasyon, na kadalasang nagmumula sa Philippine Development Plan. 

Sa kasaysayan, maraming proyekto ang nadadagdag sa General Appropriations Bill (GAB) sa pamamagitan ng tinatawag na congressional insertions o kaya “pork barrel.”

Ibinabala ito ng Pangulo nang kanyang banatan ang malawakang katiwalian sa mga flood control projects. Inilahad din ng Pangulo ang kanyang plano para papanagutin ang mga sangkot.