> ## Content Index
> Fetch the complete content index at: https://tsrv2.apphq.dev/llms.txt
> Use this file to discover other available public pages before exploring further.

# I-SHOOT MO NA ANG…? | Pulis napikon sa basketball, nanutok umano ng baril sa mga kalaro sa Tondo
- URL: https://tsrv2.apphq.dev/nation/i-shoot-mo-na-ang-pulis-napikon-sa-basketball-nanutok-umano-ng-baril-sa-mga-kalaro-sa-tondo/
- Published: 2025-08-11T22:00:00.000Z
- Updated: 2026-10-23T04:34:44.000Z
- Description: Nag-init ang laro at napikon ang pulis na may ranggong corporal at nakatalaga sa Camp Crame. Kinuha umano nito ang kanyang baril mula sa kanyang bahay, nanapak at nanuntok, bago tinutukan ng baril ang mga kalaro.
- Author: Liam Demafelix
- Tags: Nation, News, Manila, MPD, Philippine National Police, PNP, Tondo

Isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang inireklamo ng limang kalalakihan matapos umano nitong tutukan ng baril ang kanyang mga kalaro sa basketball sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Diether Pangilinan, isa sa mga complainant, naganap ang insidente sa covered court ng Barangay 28, Fugoso Street, na nasasakupan ni Barangay Chairman Rodel Dela Cruz.

Kwento ni Pangilinan, nag-init ang laro at napikon ang pulis na may ranggong corporal at nakatalaga sa Camp Crame. Kinuha umano nito ang kanyang baril mula sa kanyang bahay, nanapak at nanuntok, bago tinutukan ng baril ang mga kalaro.

Nagpa-medical check-up ang mga biktima at agad na nagpa-blotter sa barangay. Kasunod nito, personal din silang nagreklamo sa Moriones Police Station 2 ng Manila Police District (MPD).

Sa kasalukuyan, wala pang impormasyon kung may pananagutang administratibo o kriminal ang naturang pulis.