> ## Content Index
> Fetch the complete content index at: https://tsrv2.apphq.dev/llms.txt
> Use this file to discover other available public pages before exploring further.

# Marcos aminado: Dismayado ang publiko sa kanyang administrasyon
- URL: https://tsrv2.apphq.dev/nation/marcos-aminado-dismayado-ang-publiko-sa-kanyang-administrasyon/
- Published: 2025-08-05T17:26:30.000Z
- Updated: 2026-10-23T04:34:20.000Z
- Description: Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dismayado ang publiko sa kanyang administrasyon, lalo na sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan. Inilahad ito ng Pangulo matapos ang pagkatalo ng kanyang mga senatorial candidate sa 2025 midterm elections. “Malinaw sa akin ang mensahe ng naging…
- Author: Liam Demafelix
- Tags: Nation, News, Bongbong Marcos, Employment, Ferdinand Marcos Jr., Inflation, Philippine Politics, Poverty, SONA 2025, State of the Nation Address

Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dismayado ang publiko sa kanyang administrasyon, lalo na sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan. 

Inilahad ito ng Pangulo matapos ang pagkatalo ng kanyang mga senatorial candidate sa 2025 midterm elections.

“Malinaw sa akin ang mensahe ng naging resulta ng halalan: bigo at dismayado ang mga tao sa pamahalaan, lalo na sa mga pangunahing serbisyo,” sinabi ni Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) 

“Ang leksyon sa atin ay simple lamang, kailangan pa natin mas lalong galingan, kailangan pa natin mas lalong bilisan.”

Kahit pa lumalabas sa economic data na bumaba ang inflation, tumaas ang kumpyansa ng mga negosyante, at dumami ang trabaho, wala ito aniyang saysay “kung ang ating kababayan nama ay hirap pa rin at nabibigatan sa kanilang buhay.” 

Ipinangako ng Pangulo na ibubuhos ang “lahat-lahat” ng kanyang administrasyon sa natitira niyang tatlong taon bilang Pangulo ng bansa.