> ## Content Index
> Fetch the complete content index at: https://tsrv2.apphq.dev/llms.txt
> Use this file to discover other available public pages before exploring further.

# SUV bumangga sa concrete barrier sa tapat ng Kartilya ng Katipunan, driver sugatan
- URL: https://tsrv2.apphq.dev/nation/suv-bumangga-sa-concrete-barrier-sa-tapat-ng-kartilya-ng-katipunan-driver-sugatan/
- Published: 2025-08-08T08:20:03.000Z
- Updated: 2026-10-23T04:34:29.000Z
- Description: Isang kulay puting SUV ang bumangga sa isang concrete barrier sa tapat ng Kartilya ng Katipunan sa kahabaan ng P. Burgos Avenue, ayon sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nitong Biyernes. Ayon sa paunang imbestigasyon ng MTPB, hindi umano napansin ng driver ang mga concrete barrier…
- Author: Liam Demafelix
- Tags: Nation, News, Emergency Response, Kartilya ng Katipunan, Manila, Manila Traffic and Parking Bureau, MTPB

Isang kulay puting SUV ang bumangga sa isang concrete barrier sa tapat ng Kartilya ng Katipunan sa kahabaan ng P. Burgos Avenue, ayon sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nitong Biyernes.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng MTPB, hindi umano napansin ng driver ang mga concrete barrier sa lugar, dahilan upang tuloy-tuloy itong sumalpok. Sa lakas ng impact, wasak ang harapang bahagi ng SUV.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng MTPB at emergency services ng Lungsod ng Maynila upang iligtas ang driver na naipit sa loob ng sasakyan. Matapos maialis, agad siyang isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Wala pang inilalabas na detalye hinggil sa pagkakakilanlan ng driver habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.